ang cute. :)
(Source: phl0x)
Ganito kasi yan…
“Ganito kasi yan Ate Cha…” yan ang palaging linya ni Alyssa “Ally” Asilo pag may tinatanong ako sa kanya tungkol sa hindi ko magets sa klase namin. Ang galing nyang mag explain ng mga bagay bagay sa mga taong katulad kong naghahang na sa mga tinuturo ng prof pag nangangalahati na ang oras sa klase.
Sis ko si Ally sa isang org sa college namin. Sya yung tipong pag nakikita ko e laging nakangiti, kung hindi nakikipagkulitan sa mga kaibigan eh nasa isang tabi nagbabasa ng kung ano anong libro, erotic (lol), pangbagets mala Rick Riordan books, love stories, minsan mga walang kwentang basahin binabasa nya pa rin… Name it. Kung ano ano talaga. In short, bookworm. Ang yabang pa nyan sa Ocean Adventure pa nag specialize at nakatagpo na ata ng pag ibig dun. haha! Well, lagi kasi sya hinihiritan ng mga rotationmates nya. hehe.
Ganito kase… Ano… Bakit ba ko nagsusulat tungkol kay Ally ngayon? Wala lang. Trip ko lang. Trip ko lang ipaalam sa inyo ang tungkol sa acute myeloid leukemia.
Ang AML ay isang klase ng cancer na nagsisimula sa bone marrow. Abnormal ang paglaki ng cells dun at pinapalitan nito ang normal white blood cells sa katawan. Prone magkaimpeksyon ang mga taong may AML, prone din sa bleeding kasi nababawasan ang healthy blood cells nya. Common ang ganitong klaseng leukemia sa 60 years old and above. Rare daw to sa below 40 years old.
22 years old si Ally ngayon. Graduating sa kursong Doctor of Veterinary Medicine. Patopper topper lang palagi sa mga exams namin. Maligalig, cool kasama, minsan nagagalit din pag sinusubukan mo pasensya nya, sarap din kakwentuhan ng mga scary stuffs at kung ano ano pa.
Di mo aakalaing yung tonsilitis nya eh mauuwi sa detection ng leukemia.
May sakit na AML si Ally. Nagstart na sya ng chemotherapy sa PGH. Kelangan din nya ng blood donors, A+ ang blood type nya. 150 donors lang everyday ang kayang iaccomodate ng PGH, kaya unahan talaga starting 6am. Kahit sa ganitong paraan makahanap pa kami ng pwedeng magdonate ng dugo para sa kanya. Mahaba habang gamutan kasi to. Ayokong dumating yung oras na kailangang kailangan na nya ng blood transfusion, wala syang mahugutan. Palaban si Ally. Ayokong maubusan sya ng bala sa laban ng buhay nya.
Ako naman ang mag eexplain. Ehem. Ganito kasi yan Ally… Gagawin naming mga utol mo ang lahat gumaling ka lang. Walang iwanan di ba?
Ganun kasi talaga.
Ally at Ocean Adventure posing with a dolphin. :)

Ally (the one in pink) with the sisses in Dampalit Falls, Los Banos, Laguna. November 2011.
(Source: nlm.nih.gov)
“Bata, kanya kanya tayo ng paglalakbay. Huwag kang magpakarga. Katamaran yon.”
— Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
Jireh Lim just landed on my playlist. :)
Ngayon
Mag iisang taon na kitang hindi nakakausap.
Mag iisang taon ka nang walang paramdam.
Mag iisang taon na ang main event ng fight of the century.
Ting ting ting! Friendship over.
Birthday ko.
Last year.
Pupwede palang regalo ang kandila.
Nagsauliang kandila tayo mismo sa araw na yon.
Ayos ka rin eh.
Pwede namang kinabukasan na lang.
Gusto ko mangamusta, pero di ko na kayang kausapin ka pa.
Gusto ko itanong kung may sapi ka ba nung araw na yun
Gusto ko sabihing pinapatawad na kita sa mga sinabi mo,
Gusto ko magsorry sa mga nagawa ko kung may kasalanan man ako sayo.
Gusto ko sana irewind ang mga pangyayari para maintindihan ko.
Gusto ko… Pero naisip ko wag na lang para walang gulo.
Iniisip pa rin kita.
Eto lang mareregalo ko sayo.
Space sa blog ko.
Happy Birthday… Friend.
“If ever there is a tomorrow when we are not together, there is something you must always remember:
You are braver than you believe, stronger than you seem, smarter than you think.
But the most important thing is, even if we’re apart..
I’ll always be with you.”
— Winnie the Pooh (via itsherbirthday)
The best dreams happen when you’re awake.